Monday, August 10, 2009

Pagluha

Sa aking pagluha, nawa'y maibsan
Lumbay at pighating aking nararamdaman
Buhay kong masalimuot
Sana'y makayanan pang dalhin

Sa aking pagluha, nawa'y mawala
Galit para sa mundo at sa sarili ko
Pag-asa sana'y muling makita
Sa magulong buhay, sana'y makalaya

Sa aking pagtangis, nawa'y matutunan
Ang pagpapatawad sa mga taong mapaghusga
Pagmamahal sa kapwa sana'y manaig pa
Aking pang-unawa, lubos pang palawakin

Sa aking pagtangis, nawa'y kusang sumama
Hinagpis na kinikimkim ng puso kong alipin
Ng takot at pangamba, sana'y maglaho
Kabaliwang nag-ugat sa pagkatalo


No comments:

Post a Comment